Powered By Blogger

11 January 2009

time to have some laughs..hahaha

it's good to make fun of ourselves once in a while.. i've learned that from spongebob.. hahaha.. and yeah his right...looking to my old stuffs.. (actually matagal na to..) found this highschool notebook (on my 3rd yr) where this poem stand out, i won't forget that day when on the spot we were asked to make a poem and titled it PUSO for the valentine's thing.. i was able to do one na parang wala lang naman just making sure that sukat na sukat at rhyme tlaga, aba nung pinasa ko na eh unang unang binasa in front nung prof ko! i feel humiliated! hahaha.. they were saying pa na inspired daw ako.. duh!!! hahaha! pero ayun kakatawa..i'm sure sa lahat ng mga nakakakilala sa akin won't really think that i'll be able to come up with such tagalog cheesy words and cheesy thought! hahaha!! ako rin naamaze.. but that's just once.. it's just the pressure perhaps.. hahaha!!! well here it goes...

PUSO

Nang ako'y bata pa, aking naalala
Pangaral at payo ng mahal kong ina
Sinabi sa akin, pag-aaral muna
Bago ang pag-ibig na aking nadama

Pag-ibig na tunay at pagmamahalan
Tanging inalay sa pamilya lamang
Laging iniisip at tinatandaan
Sa kanila lamang buhay ilalaan.

Ngunit kita'y nakita, puso ay sumaya
Humiling na sana ay makilala ka
Sa aking isipan nagugunita
Matamis mong ngiti'y hindi na nawala.

Ngunit nalaman kong ika'y may mahal na
Puso ay nasaktan, naparam ang saya
Subalit naisip, dapat tanggapin na
Mas liligaya ka sa piling ng iba.

Aking itinanim sa puso't isipan
Na ang kabiguan ay pag-aaralan
Upang sa gayon ay di masasaktan
Sa muling pag-ibig na aking makamtan.

Pag-ibig nga naman ay makapangyarihan
Na matatagpuan sa puso ninuman.
Ligayang inaasam ay makakamtan
Kung kaya ang puso ay pagkaingatan.

1 comment:

Che said...

Di ko kinaya. Feeling ko was reading a page from Florante at Laura. Sure you aren't related? =D